Wednesday, August 4, 2010

...on sail!

..

...gusto ko lang talagang masabi ito kasi pakiramdam ko nag-iisa na naman ako ngayon.Sama lang talaga nang loob ko sa di ko malamang dahilan...o siguro mas pinili kung di na lang alamin kasi mas masasaktan ako pag ganun...

...Di ko na alam kung dapat akong magsorry, pero sa totoo lang na offend lang talaga ako sa naggyari...pero mas nasaktan ako sa isiping pinabayan n'ya lang ako at nagpa pigil sa kanila...kaya kaysa manatili ako dun mas pinili ko na lang ang umalis para di na ako mas lalo pang mapahiya sa sarili ko!

...Palagi kasi akong  dumedepende sa ibang tao...palagi na lang akong umaasa na maiintindihan nila ako...that somehow they would at least be sensitive to others...or maybe I was just overreacting or just too sensitive that I am being  unreasonable...ang pangit lng kasi nang pakiramdam na makita mo yung taong inaasahan mo na hinahayaang maging ganun...I'm maybe expecting too much that I felt disappointed that time...basta ang sama sama lang nang loob ko na makitang ang taong inaasahan kong d hahayaang mangyari ang ganun eh hinayaang  mangyari yun.Di  ko kasi inasahan eh...basta parang sinampal lang ako sa mukha tapos bigla na realized ko na lang dapat pala hindi na ako umasa sa iba dapat pala kahit kailan hindi dapat ako nagtiwala at umasa sa iba maliban sa sarili ko...

...pero sa kabila non naisip ko din na naging immature na naman ako at naging makasarili...mas inisip ko na naman kung ano ang nararamdaman ko keysa sa mararamdaman nang ibang tao...napahiya lang kasi ako sa sarili ko kasi nga akala ko...kaya lang marami talaga ang namamatay sa maling akala!nasaktan na at nangyari na nga...ang mas masakit...nawala pa yung kaisa-isang taong alam ko na minahal ako nang totoo...yung taong biglang dumating nang mga panahong kailangan ko talaga ng patunay na totoo ang lahat at hindi lang pantasya...

... it's done...it's over...parang ang sama naman paghumingi pa ako ulit nang isa pang pagkakataon di ba???kasi nga pang ilang beses ko na ba itong pagkakataon...ilang beses na ba akong humingi nang pagkakataon...parang mauubos na yata lahat sa kakahingi ko nun...kaya nga simula ngayon di na ako papayag na mangyari ulit lahat nang 'to...I will guard myself more and won't let anyone come in except for the only person who has the key...sana lang maisipan n'yang pumasok kasi hihintayin ko s'ya kahit matagal pa yun o kahit hindi na mangyari pa...

...sana kung di man s'ya yung para sa akin sana wag na lang dumating yung talagang para sa akin...sana kung may tao talagang nakalaan para sa akin sana huwag ko na lang makita o di kaya'y matagpuan kasi di ko rin naman na kailangan eh...parang kalabisan na lang sa akin...seems like I don't deserve someone...na paka immature ko kasi,na paka isip-bata,insensitive,selfish, self-centered, masungit,maldita, at napakasama talaga nang ugali ka basi na rin sa assessment ko sa sarili ko. I felt like I don't deserve someone kasi nga pakiramdam ko pahihirapan ko lang talaga ang taong magtangkang mahalin ako kasi nga ang hirap-hirap kung intindihin at pakisamahan eh...sama kasi nang ugali ko...sa sobrang sama nang ugali ko at nang loob ko di sinasadyang napatay ko yong angel fish na nananahimik xa aquarium!ngayon kulang na nang isa at inaasahan ko na din na mamamatay na din yung isa n'yang kapareha...

...Basta kasi galit, masama ang loob at may iniisip ako napagdidiskitahan ko yung aquarium ko...nawawala kasi ang bigat na nararamdaman ko pagkatapos ko yung linisin kaya lang kagabi sa sobrang sama siguro nang loob ko di sinasadyang napatay ko yung isang angel fish ko...hai...parang maiiyak ako sa pinagsama-samang nararamdaman ko pero di ko naman magawang umiyak...

...naninikip na naman dibdib ko...di ko alam kung sa nararamdaman ko lang o dahil ito na yung sinabi nang doctor ko na kapag daw bigla na naman akong makaramdam nang sakit sa dibdib at paninikip nang dibdib sa paghinga masama na raw ang epekto nun sa akin...baka daw lumalala na yung sakit ko sa puso!hehehe...bahala s'ya basta pakiramdam ko mawawala din 'tong sakit at paninikip nang dibdib ko sa paghinga ko!eh sa ayaw ko talagang magpacheck-up ulit eh...natatakot akong malaman at marinig na sabhin n'yang i'm dying dahil i've got a weak heart...hehehe...imagination ko lang pero ayaw ko nang marinig sa doctor ko!Alam ko naman kasi na ganun yun eh!alam ko naman kasi na ganun na ganun ang sasabihin n'ya katulad din nang pagsabi n'ya sa akin nong una na maysakit ako!hahaha...katawan ko naman to eh hindi sa kanya kaya alam ko kung kailan di na talaga maganda...mas mabuti na yung di ko alam para mas surprise at mas enjoy ko pa rin yung life ko...

...at di na ngayon kasama sa page enjoy sa life ko ang  facebook sa work! kasi nga naman nawawala na ang focus ko sa work.Ang dapat sana na focus ko eh work lang napupunta na sa FB...siguro after work na lang at saka pag-uwi galing sa trabaho na para walang hassle!

...sakit na ang mata q sa buong araw na computer lang ang kaharap...hanggang dito na lang muna kasi ang haba haba na nito!

...sa pagka haba-haba nang na post ko pakiramdam ko sasakit ang mata nang sino mang bumasa nito!hahaha...pero salamat sa pagbasa nito...it is highly appreciated kahit walang kabulohan 'tong post na to binasa n'yo pa rin...


:)

2 comments:

Edong said...

free flowing... kung ano ang pumasok sa isip sulat agad. parang nakikipag-usap lang sa isang kaibigan pero ramdam na ramdam ang emosyon... bawat salita kusang nagdadala ng emosyon... astig!

...d@wn... said...

tanx po! d ko alam ganyan pala sinusulat ko!hahaha